Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level 2 sa Myanmar, dahil sa nagpapatuloy na krisis political sa naturang bansa.
Ayon sa DFA, ang naturang hakbang ay magsisilbing precautionary measure upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong nasa Myanmar.
Sa ngayon kasi ay tanging mga returning OFW’s na may kontrata lamang ang pinapayagang makabyahe sa Myanmar.
Ipinapaalala naman ng DFA sa mga Pilipinong nasa Myanmar na maging alerto at tutukan ang mga kaganapan sa nasabing bansa gayundin ang palagiang pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa yangon para sa karagdagang abiso.
Dapat rin anilang iwasan ng mga ito ang pagpunta sa mga lugar kung saan may mga nagsasagawang kilos-protesta.