Umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na seryoso ang CPP, NPA at NDF sa idineklarang tigil putukan.
Ayon kay AFP Civil Relations Chief at Acting Spokesperson Major General Ernesto Torres, nagkaroon na kasi sila ng karanasan na kahit nagdeklara ng ceasefire ang rebeldeng grupo ay tinambangan parin ng mga ito ang tropa ng pamahalaan at sibilyan.
Gayunman, umaasa parin sila na magiging seryoso na ang grupo sa kanilang mga pahayag at suportahan ang gobyerno sa giyera laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Iginiit pa ni Torres, na ito na ang tamang panahon para pag isipan ng CPP, NPA at NDF ang totoong kapayapaan.
Samantala, matatandaang unang nagdeklara ng unilateral ceasefire si pangulong duterte upang matutukan ng sundalo ang operasyon sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.