Hindi prayoridad ng Kongreso sa ngayon ang pagsasagawa ng pagdinig kaugnay sa prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, may mas mahalaga pang kailangan gawin ang Kamara kaysa sa isyu ng network.
Aniya, ang pagsasagawa ng pagdinig ay hindi nangangahulugan na bibigyan agad ng automatic renewal ang prangkisa ng ABS-CBN.
Dagdag pa ni Cayetano na ang mangyayari lamang sa hearing ay pagharap sa mga sang-ayon at kontra sa renewal ng prangkisa ng network at kailangan rin aniya ng kongreso ng sapat na panahon para pag-aralan ito.
Samantala, iginiit naman nito na kanilang responsibilidad na tagununan ang nakabinbing panukala kaugnay sa prangkisa ng ABS-CBN.