Binalaan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang abogado ni Senador Leila De Lima dahil sa sunud sunod na pahayag nito na umano’y paglabag sa subjudice rule hinggil sa mga kasong kinakaharap ng mambabatas.
Ayon kay VACC Legal Committee Head Atty. Ferdinand Topacio maaaring maging liable for indirect contempt of court si Atty. Boni Tacardon dahil sa pagdi-diskurso nito sa merito ng kaso gayung nililitis pa si De Lima.
Sinabi ni Topacio na naghahanda na ang VACC para makasuhan si Tacardon sa mga pahayag nitong maaaring maka impluwensya sa korte at magalit ang taumbayan sa sistema ng hustisya sa bansa.
Magugunitang isa ang VACC sa nagsampa ng orihinal na kaso laban kay De Lima kaugnay sa tinatawag na Bilibid drug trade nuong Setyembre 2017.