Isa sa bawat limang establisyemento sa bansa ang hindi sumusunod sa mga ipinatutupad na health at safety protocols kontra COVID-19.
Ayon kay Labor and Employment Usec. Benjo Benavidez, nabatid na 80% ng 72,000 establisyemento ang lumalabag sa occupational health at safety standards ng DOLE.
Gayunman, sinabi ni Benavidez na sa halip na patawan ng multa o parusa ay tinulungan na lamang ng DOLE ang mga nasabing establisyemento upang maayos na maipatupad ang mga nasabing health protocols.
Sa oras naman anyang lumabag pa ang mga ito sa umiiral na health protocols ay mahaharap na ang mga ito sa kaukulang parusa.