Mayorya ng mga Pilipino ang natatakot na mamalengke dahil sa banta ng COVID-19.
Ito ay batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumalabas na 77% ng mga Pilipino ang takot na lumabas at pumunta ng palengke dahil sa pangamba sa COVID-19.
Samantala 16% naman ang bahagyang nangangamba at 4% lamang ang panatag na walang panganib na hatid ang pagpunta sa mga palengke para mamili.
Ang naturang survey ay isinagawa via mobile noong Setyembre 17 hanggang 20 sa 1,249 na respondents mula edad 18 pataas.