75% ng mga benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan sa buong bansa ang nakatanggap na ng pinansiyal na ayuda.
Ito ang inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG), ilaw araw matapos bigyan ng karagdagang 7 araw na palugit ang mga lokal na pamahalaan para maipamahagi ang cash aid.
Ayon kay DILG Spokesperson Assistant Secretary Jonathan Malaya, katumbas na aniya ito ng 8 sa bawat 10 benepisyaryong pamilya na nakatanggap na ng ayuda.
Batay aniya sa pinakahuling datos ng DILG, mahigit 50% hanggang 80% ng mga ayuda sa ilalim ng SAP ang naipamahagi na sa mga benepisyaryo sa Caloocan, Manila, Marikina, Parañaque, Pasig at Valenzuela.
Habang halos nakumpleto na ng mgaa lokal na pamahalaan sa Caraga Region ang pamamahagi ng ayuda sa mga SAP beneficiaries.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Malaya ang mga LGU’s hinggil sa pinalawig na deadline para sa pamamahagi ng pinansiyal na ayuda hanggang Huwebes Mayo 7.