Inaprubahan na ng Department of Education (DepEd) ang listahan ng 660 eskwelahan sa bansa na gagamitin ng mga local government units (LGUs) bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) quarantine o isolation site.
Ayon sa ika-apat na lingguhang report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara bilang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, nakabinbin pa ang paggamit sa karagdagang 324 na eskwelahan dahil sinusuri pa rin ito ng mga otoridad.
Kinokonsidera naman ng Commission on Higher Education (CHEd) ang posibleng paggamit sa 9 state universities at colleges bilang pansalamantalang quarantine facilities.