Nasa kritikal na kundisyon ang 62 anyos na lalaki na ikalimang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito mismo ang naging pag-amin ni Dr. Celia Carlos, direktor ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kung saan mayroon na rin aniyang severe pneumonia ang nasabing pasyente.
Sinabi nito, bukod aniya sa pneumonia napag-alaman ding mayroon itong diabetes, altapresyon at acute kidney injuries.
Ang nasabing pasyente ang unang kaso ng local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa ngayon, tiniyak naman ni Health Sec. Francisco Duque III na ginagawa na ng Dept. of Health (DOH) ang lahat ng kanilang makakaya para sa mabilis na recovery ng nasabing pasyente.