Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng 6 pang dam sa Cagayan river.
Paliwanag ni DPWH Engineer Jerry Fanon, ito ay para makontrol na ang pagbaha tuwing may bagyo.
Aniya, aabot sa 520 kilometro ang sakop ng Cagayan river kung kaya’t 5 lalawigan ang apektado sa pagpapakawala ng tubig tuwing may kalamidad.
Dagdag pa ni Fanon, ang 6 pang dam ay magsisilbing long-term flood control plan ng DPWH dahil bukod sa Magat dam na tanging controlling dam ng ahensya ay magiging tulong rin aniya ito sa iba pang lugar malapit sa Cagayan.
Magugunitang isinisisi sa nangyaring malawakang pagbaha sa Cagayan at ilan pang karatig na lugar ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat dam nang tumama ang bagyong Ulysses sa bansa, kamakailan.