Ipinabatid ng World Health Organization (WHO) na mangangailanagn ng halos 6-milyong nurse ang buong mundo na tutugon sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus, 50% sa mga health workers ay pawang mga nurse.
Napag-alaman din aniya nila na mula sa kabuuang 28-milyong nurse sa buong mundo ay bumagsak na ito sa 5.9-milyong nurse dahil sa COVID-19.
Aniya, ang mga nurse ay maituturing na backbone ng kahit anong sistemang pangkalusugan kung kaya’t isa itong paalala sa buong mundo na dapat nabibigyan ang mga ito ng sapat na suporta upang mapanatili nilang malusog ang daigdig.
Samantala, ang mga nangangailangan aniyang mga nurse ay ang mga mahihirap na bansa sa Africa, Southeast Asia, Middle East at ilang bahagi ng South America.