Muling ikinasa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ika-limang Metro Manila shake drill, kaninang 4 ng madaling araw.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, layon nitong matukoy ang kahandaan ng mga LGU at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan sakaling tumama ang malakas na lindol sa alanganing oras.
Ang naturang shake drill na ginanap kaninang 4 ng madaling araw ay bilang paghahanda sa pagtama ng ‘the big one’, o ang magnitude 7.2 na lindol na maaring tumama sa Metro Manila.
Ang naturang earthquake drill ay pinangunahan nina MMDA Chairman Danilo Lim, DOST Usec. Renato Solidum Jr. at ng iba pang MMDA officials.
Sinundan naman ito ng emergency briefing at ng iba’t-ibang pagtatayo ng emergency operating centers.