Pinaiimbestigahan na ng Department of Social Welfare and Development region 12 ang limang indibidwal sa South Cotabato na dalawang beses nakakuha ng cash assistance mula sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.
Ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo, ang pagkuha ng SAP cash assistance ng dalawang beses ay nakalalabag sa Bayanihan To Heal As One Act.
Aniya, malinaw na pananamantala ang mga ginawa nito sa isinagawang cross matching ng DSWD.
Iginiit ni Espejo na kanilang kakasuhan ng perjury at estafa ang limang suspek.
Samantala, nagbabala naman si Espejo sa publiko na mananamantala sa tulong na ipinamimigay na pamahalaan na madali nila itong matutunton sa pamamagitan ng litrato, bar code at SAP forms na kanilang ipinamigay.