Papasok na ang Pilipinas sa isang kasunduan sa pagitan ng mga pribadong vaccine developers, upang matiyak na hindi mauubusan ang bansa ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ay matapos na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposal ni Philippine Vaccine Czar at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na payagang pumasok ang bansa sa isang advance market commitment sa ilang private vaccine developers at pagbibigay sa mga ito ng advance payments.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, una nang umayaw ang Pangulo sa pagpasok sa mga naturang kasunduan ngunit nang makita umano nito ang listahan ng nag-a-advance payment ay pumayag na rin ito.
Samantala, una nang sinabi ng Pangulo na kahit magbenta ito ng mga ari-arian ng bansa bastat matiyak lamang na magkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19 ang sambayanang Pilipino.