Umalma ang National Human Rights ng Mexico sa pagpatay ng mga pulis sa 22 hinihinalang miyembro ng drug syndicate na walang sapat na ebidensya.
Ayon sa Human Rights Commission, hindi nakitaan ng sapat na ebidensya na sangkot sa droga ang 22 na kabilang sa mga napatay sa operasyon laban sa Jalisco New Generation Cartel sa lungsod ng Tanhuato.
Sa naturang operasyon, patay ang hindi bababa sa 42 hinihinalang miyembro ng naturang gang at isang pulis.
By Katrina Valle
Photo Credit: EPA