Dinala na sa ospital sa Jolo, Sulu ang dalawang nakatakas na miyembro ng Philippine Coast Guard na unang binihag ng bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay Col. Noel Detoyato, pinuno ng Public Affairs Office ng Armed Forces of the Philippines o AFP, ito’y para sumailalim ang dalawa sa trauma at medical check up.
Sinabi pa ni Detoyato, dahil sa dami ng mga napatay na bandido kaya’t nakuhang makatakas nila Seaman Gringo Villaruz at Seaman Rod Pagaling.
Unang natagpuan ng mga tropang militar si Villaruz habang mag-uumaga na kanina nang matagpuan si seaman Pagaling.
Lima naman mula sa 15 nasawing bandido ang narekober gayundin ang hawak nitong matataas na kalibre ng baril habang wala namang nasawi sa panig ng militar.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal