Tinatayang aabot sa P10 Milyong halaga ng ipinagbabawal na heroin ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Kasunod ito ng ginawang inspeksyon sa bodega ng lost and found division ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1.
Ayon kay PDEA Dir. Gen. Arturo Cacdac Jr., natagpuan ang dalawang kilo ng heroin na nakabalot sa carbon paper na nakatago sa kahon ng dalawang pares ng mamahaling sapatos.
Agad dinala ng isang kinatawan mula sa PDEA ang sample ng nasabat na heroin sa PDEA laboratory para isailalim sa pagsusuri.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung sino ang may-ari ng nasabing sapatos upang agad masampahan ng kaukulang kaso.
By: Jaymark Dagala