Naghain ang 16 na estado ng kaso upang kuwestiyunin ang pagdeklara ni US President Donald Trump ng national emergency sa Amerika.
Pinangunahan ni California Attorney General Xavier Becerra ang nasabing pagsasampa ng kaso.
Ayon sa attorney general, dapat nilang harangin ang ginawang deklarasyon na ito ni Trump dahil nilabag aniya ni Trump ang saligang batas.
Tinawag rin ni Becerra na pang aabuso sa kapanyarihan at pagkamkam sa pondo ng mamamayan ang pagpupumilit ni Trump na mapondohan ang border wall.
Una rito, nagsampa na rin ng kaso ang ilan pang mga grupo laban kay Trump dahil sa deklarasiyon nito ng national emergency upang maitayo ang US-Mexico Border.
Sa ilalim ng deklarasiyon ni Trump, otomatikong kukuha ang gobyerno ng halos $6 billion na pondo mula sa pamahalaan para sa pagtatayo ng nasabing border wall.