Umabot na sa 15 ang bilang ng mga kumpanyang minomonitor ng Quezon City dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, ito ay matapos na mapaulat na nagsimula lamang sa isa ang kaso ng COVID-19 sa isang kumpanya hanggang lumobo ito sa bilang na 70 matapos na masuri ng local government unit.
Dahil dito, tiniyak ng lokal na pamahalaan na mas pinaigting pa nila ang kanilang monitoring at contact tracing upang mapigilan pa ang pagkalat ng virus.
Sa kanilang pag-aaral, tiniyayang nasa 280 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa 15 kumpanya.
Anila, posible pang mas mataas ang bilang nito dahil sa kawalan umano ng kooperasyong ng mga kumpanya.
Sa ngayon, nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanila kung mayroong kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod na numero:
- 8703-2759
- 8703-4398
- 0916-122-8628
- 0908-639-8086.