Isasailalim sa culling ngayong araw ang aabot sa 13,000 baboy sa Don Marcelino, Davao Occidental matapos matamaan ng African Swine Fever (ASF).
Magugunitang isinailalim na kahapon sa state of calamity ang Don Marcelino sa pamamagitan ng sesyon ng sangguniang bayan, kung kaya’t nakalockdown na ang naturang bayan na may 15 barangay.
Tiniyak rin ang mahigpit na inspeksyon na ipinapatupad sa Davao City upang hindi makalusot ang mga baboy o pork products mula sa dalawang probinsya ng Davao Del Sur at Davao Occidental.
Samantala, nagdeklara na rin ng state of calamity ang bayan ng Malita at Santa Maria sa kabila ng paghihintay ng resulta ng confirmatory test kung ASF ang dahilan ng pagkamatay ng ilang baboy sa kanilang lugar.