Nanatiling buo ang pagsuporta ni Pangulong Benigno Aquino III kina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino at Customs Commissioner Alberto Lina.
Ito ay sa kabila ng umuugong na panawagan na magbitiw na ang dalawang opisyal.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, patuloy na naniniwala ang Pangulo sa kakayanan ng dalawa.
Aniya mayroong mabigat na responsibilidad ang mga ito na sinisikap nilang gampanan sa pinakamahusay na paraan.
Hindi aniya makatwiran na sa tuwing may hindi pag sangayon sa kanilang mga pahayag ay ipapanawagan agad ang pagbaba sa puwesto.
Nasa gitna ngayon ng kontrobersiya si Lina dahil sa random inspeksyon sa mga balikbayan boxes na umano ng batikos sa mga OFW.
Habang si Tolentino naman ay ipinipetisyon na magresign sa puwesto dahil sa kabiguan na masolusyunan ang malalang problema sa trapiko sa Metro Manila.
By Rianne Briones