BAM AQUINO FROM TWITTER NIYA
FEATURED NEWS

Pagpanig ng OSG kay Napoles indikasyon ng pagkiling sa mga mayayaman at maimpluwensya – Sen.Aquino

0 24

Kinuwesyon ni Senador Bam Aquino ang inihaing manifestation ng OSG o Office of the Solicitor General sa court of appeals.

Kaugnay ito sa hirit na ipawalang sala si Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles sa kasong serious illegal detention na isnampa laban sa kaniya ni Benhur Luy.

Tanong ng senador, paano aniya pagkakatiwalaan ang administrasyon na maipasa ang parusang bitay kung pumapabor ito sa mga kriminal tulad ni Napoles.

Nasasayang lamang ayon kay Aquino ang pondo ng bayan dahil sa pag-aabogado ni Solgen Jose Calida sa itinuturing na utak ng pinakamalaking anomalya sa kasaysayan.

By Jaymark Dagala

Photo Credit: Senator Bam Aquino's Twitter Account

More from Featured News

Comments

comments

About the author / 

DWIZ 882
DWIZ 882

NEWS ARCHIVE


       
DWIZ 882 is home to some of the top broadcasters and columnist in the country today. Weekdays start with a dynamic lineup that delivers fresh news, credible and accurate reportage as gathered by its fully organized newscenter.