Isinusulong ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto ang pagbuo ng help desk para sa lesbian, gay, bisexual at transgender o LGBT.
Sa ilalim ng House Bill Number 2952, maaaring idulog ng LGBT victims sa itatayong help desk kung sila ay nakaranas ng harassment, prejudicial treatment at iba pang uri ng pang-aabuso.
Layon din ng panukala ni Santos-Recto na maamyendahan ang Republic Act number 8551 o “PNP reform and reorganization act of 1998” na siyang bumuo sa women and children’s desks sa lahat ng police stations sa bansa.
By: Meann Tanbio