4
FEATURED NEWS

Operasyon ng mahigit 100 lending companies sinuspinde ng SEC

0 35
Sinuspinde ng SEC o Securities and Exchange Commission ang operasyon ng may 104 na tiwaling kumpanya na nagpapautang sa unang apat na buwan ng taon.
Bunsod nito, maaaring mabasura ang lisensya ng mga nasuspindeng kumpanya kung hindi sila mapapasama sa pag-alis ng suspension order sa Lunes, Mayo 22.
Ayon kay SEC Supervising Commissioner for Enforcement Emilio Aquino, magpapakalat sila ng enforcement team sa mga rehiyon  bilang  tanggapan nila sa mga lungsod ng Baguio, Tarlac, Legazpi, Cebu, Cagayan de Oro, Iloilo, Zamboanga at Davao.
Tiniyak ni Aquino na makikipag-ugnayan ang SEC sa NBI para sa epektibong kampanya at operasyon laban sa mga illegal lending operator  at makasuhan ang mga ito sa ikalawang bahagi ng taon.
Nauna rito, sinimulan ng SEC ang pag-iimbestiga at paghahabol sa mga illegal ang operasyon sa pagpapautang na nagpapataw ng malaking interes.

By: Meann Tanbio

More from Featured News

Comments

comments

About the author / 

DWIZ 882
DWIZ 882

NEWS ARCHIVE


       
DWIZ 882 is home to some of the top broadcasters and columnists in the country today. Weekdays start with a dynamic lineup that delivers fresh news, credible and accurate reportage as gathered by its fully organized newscenter.