palawan
NATIONAL NEWS

Online protest vs Nickelodeon theme park sa Palawan inilunsad

0 48

Isang online protest ang inilunsad ng isang environmental group bilang pagtutol sa planong pagpapatayo ng underwater theme park sa Coron, Palawan.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Vince Cinces ng Greenpeace Southeast Asia na sisirain lamang ng nasabing proyekto ang marine ecosystem.

Una nang inihayag ng Nickelodeon ang planong pagtatayo ng underwater theme park kung saan uubrang makasalamuha ang mga kilalang characters na inilalabas sa telebisyon tulad nina Spongebob Square Pants at Dora the Explorer.

Bahagi ng pahayag ni Mr. Vince Cinces ng Greenpeace

Ayon kay Cinces, mas makabubuting ilaan na lamang ang pondo sa naturang proyekto sa pagtatayo ng marine protected area.

Bahagi ng pahayag ni Mr. Vince Cinces ng Greenpeace

By  Meann Tanbio | Balitang Todong Lakas

Comments

comments

About the author / 

DWIZ 882
DWIZ 882


       
DWIZ 882 is home to some of the top broadcasters and columnist in the country today. Weekdays start with a dynamic lineup that delivers fresh news, credible and accurate reportage as gathered by its fully organized newscenter.