15
NATIONAL NEWS

Mga taga-Marawi pinayuhan ng Palasyo na hintayin munang maclear ang lungsod

0 53
Pinayuhan ng  Malacanang  ang   mga  taga-Marawi City  mas  makabubuting  hintaying  matapos  ang  krisis bago  bumalik sa  kanilang  lugar.
Kasunod  ito  ng  pinaplano ng  ilang  grupo  na “Occupy Marawi” kung  saan  babalik ang  mga  ito sa  Marawi City sa  mismong State  of the  Nation Address  ni Pangulong Rodrigo  Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naiiintindihan ng  palasyo ang  sentimyento ng  mga  residente  ng  Marawi City  subalit  dapat  isaalang alang  ang  kaligtasan ng  mga  ito.
Wala  aniyang  katiyakan na  ligtas   na ang  ibang  lugar  ng  lungsod dahiil may  mga insidente  pa  ng  tinatamaan ng  ligaw  na  bala at  nagpapatuloy  pa ang  clearing  operations  ng  mga  sundalo  sa  posibleng  booby traps  na  iniwan ng  Maute-ISIS  Terror  Group.
By: Aileen Taliping

More from National News

Comments

comments

About the author / 

DWIZ 882
DWIZ 882

NEWS ARCHIVE


       
DWIZ 882 is home to some of the top broadcasters and columnists in the country today. Weekdays start with a dynamic lineup that delivers fresh news, credible and accurate reportage as gathered by its fully organized newscenter.