Mahigit 3,000 pulis sa Metro Manila ang na-promote o tinaasan ng ranggo.
Pinangunahan ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde ang pinning of ranks sa mga non-commissioned officers o PNCO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa Taguig City.
Kabilang sa mga na-promote ang mahigit 100 senior police officer 4; 45 senior police officer 3; mahigit 100 senior police officer 2; 600 senior police officer 1; halos 900 police officer 3; at mahigit 1,000 police officer 2.
Ayon kay Chief Supt. Amando Clifton Empiso, Hepe ng NCRPO Regional Chief Directorial Staff at PNCO Selection and Promotion Board, dumaan sa masusing evaluation ang promosyon ng mga naturang pulis.
Hinimok naman ni Albayalde ang mga alagad ng batas na patuloy na suportahan ang pinaiigting na kampanya laban sa illegal drugs at loose firearms.
Binalaan din ng NCRPO Chief ang mga ito laban sa pagkakasangkot sa illegal activities at iligal na droga.
By Jelbert Perdez