FIRE
FEATURED NEWS

Kambal na sunog sa Pasay City sumiklab sa nakalipas na magdamag

0 62

Mahigit P100,000.00 halaga ng mga ari-arian ang naabo sa kambal na sunog na sumiklab sa Pasay City kaninang madaling araw.

Unang nilamon ng apoy ang isang bodega sa bahagi ng Taft Avenue Extension na halos nasa likuran lamang ng Baclaran LRT Station.

Isang pagsabog umano ang narinig sa sgs building bago tuluyang sumiklab ang apoy kung saan, nadamay ang helera ng mga tiangge.

Nasa P50,000.00 ang tinatayang halaga ng napinsala sa nasabing sunog na umakyat pa sa ikatlong alarma.

Samantala, nasa 30 kabahayan din ang naapektuhan ng sunog sa bahagi ng David Street sa Barangay 23, Buendia Pasay City.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Lyndon Tongco na umabot sa ika-apat na alarma at nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng FB Harrison.

By Jaymark Dagala

More from Featured News

Comments

comments

About the author / 

DWIZ 882
DWIZ 882

NEWS ARCHIVE


       
DWIZ 882 is home to some of the top broadcasters and columnist in the country today. Weekdays start with a dynamic lineup that delivers fresh news, credible and accurate reportage as gathered by its fully organized newscenter.