Umaasa ang National Union of People’s Lawyers na gawin nang Permanente ng Korte Suprema ang hindi nito pagpayag sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.
Natutuwa ang naturang grupo ng mga abogado sa ipinalabas na Status Quo Ante ngunit pansamantala lamang, anila, iyon.
Mas mainam, anila, na magpasya na ang Korte Suprema na katigan ang mga petitioner dahil alam naman ng nakararami ang mga ginawa ni Marcos bilang diktador.
Ayon sa National Union of People’s Lawyers, maraming naging biktima ng pang-aabuso ng karapatang pantao sa ilalim ng Marcos administration kaya hindi makatarungang maihanay ang dating Pangulo sa mga bayani ng bansa.
Una nang nagpalabas ng status quo ante ang Korte Suprema upang mabigyan ng pagkakataon ang mga petitioner na maisama sa oral argument para sa kahilingang maibasura ang plano ni pangulong Rodrigo Duterte na mailibing si Marcos sa libingan ng mga bayani.
By: Avee Devierte / (Reporter No. 7) Jill Resontoc