Aminado ang DSWD o Dept. of Social and Welfare Development na isa pa ring malaking problema ang prostitusyon sa isla ng Boracay.
Ayon kay Karla Villanueva, secretariat ng Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking ng DSWD Region 6, nito lamang buwan ng Abril nang masagip ng mga otoridad ang 33 kababaihan mula sa prostitusyon.
Anya, patunay lamang ito na namamayagpag pa rin ang iligal na gawain sa isla.
Kaugnay nito, tiniyak rin naman ni Villanueva na patuloy na minomonitor ng mga otoridad ang kaso ng prostitusyon sa isla at tiniyak nitong mas paiigitngin pa nila ang operasyon laban dito.