Binanatan ng Commission on Audit (COA) ang Office of Civil Defense (OCD) dahil sa mabagal at hindi pa nagagamit na Marawi funds.
Ito ay kaugnay ng ulat na inilabas ng COA, kung saan isiniwalat nito na P10,000 lamang ang nagastos mula sa P36.92-M na natanggap na donasyon ng OCD para sa mga residente na naapektuhan nang sumiklab ang giyera sa Marawi.
Ayon sa COA, hindi nagamit ng maayos ang pondong inilaan para sa mga residente ng Marawi, kung saan nangangahulagan ito na marami pa ring residente ang hindi nakatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.
Ayon pa sa report ng COA, ang P10,000 ginastos ng OCD ay para sa isang pamilya na namatayan sa gulo noong 2017.
Magugunitang nakasaad sa National Disaster Memorandum No. 13 na hindi lamang tulong pinansiyal ang dapat ibinibigay ng OCD kundi pati na rin ang fatatlity aid na aabot sa P10,000 at injury aid na P5,000.