Nakaalerto na ang AFP o Armed Forces of the Philippines sa mga inaasahang pangongotong ng NPA o New People’s Army ngayong darating na halalan.
Ito ay kaugnay ng pagsisimula ng campaign period para sa midterm elections kahapon.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal, Jr., kilala ang rebeldeng grupo sa mga pangingikil ng pera sa mga kandidatong nais mangampanya.
Dagdag pa ni Madrigal mahigpit na ring minomonitor ng mga otoridad ang galaw ng NPA sa Compostella Valley at Eastern Mindanao.
Samantala, muli namang pinaalalahanan ni Madrigal ang mga sundalo na panitilihing protektado ang publiko, at tiyaking magiging maayos ang darating na halalan.